HUMAN CARAVAN dahil ang BUHAY ay isang PAGLALAKBAY! Ano ang HUMAN CARAVAN? Ang TAO OF HUMAN CARAVAN ADVOCATES, o HUMAN CARAVAN, ay isang grupo na binuo ng mga taong pinagbubuklod ng hangaring magbahagi ng iba't ibang kaalaman at inspirasyon sa kapwa. Naniniwala ang HUMAN CARAVAN na sa kabila ng pagkakaiba sa kulay, uri, prinsipyo, katayuan sa buhay, paniniwala, at iba pa, ang bawat isa ay may mababahagi sa kapwa. Batid ng HUMAN CARAVAN ang mga hirap na susuungin sa pagpapatupad ng mga adhikain nito.gayunpaman, hangga't may mga taong nais magbahagi sa iba, patuloy parin ang paglalakbay ng grupong ito... sa hirap man o sa ginhawa. Maligayang Paglalakbay! ======================================================= Ang mga PROYEKTO Ang HUMAN CARAVAN ay nagbibigay ng iba't ibang pagsasanay, pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman sa larangan ng sining, edukasyon, palakasan, personalidad, komunidad, pangkabuhayan, organisasyon, conflict resolution, pangkalikasan, values, health at iba pa. Pangunahing hangarin din ng HUMAN CARAVAN ang magbahagi ng kaalaman, inspirasyon at pagsasanay sa mga kapatid nating kapuspalad, o mula sa mga mahihirap na pamilya o komunidad. Tagapagtatag: 1. Lichello M. Cammayo (+) "When you do something good for others, there is a different kind of high, something money can't buy." - ate chi 2. Roy R. Camacho Head - Community Development Educator Magazine Mga Tagapangasiwa: 1. Larry Barcancel 2. Carlo Padilla 3. Michael Abbacan 4. Edwin Valenzuela